"I love you."
Pati ako nagulat n'ung lumabas ang mga salitang ‘yun sa bibig ko. Hindi ko na lang pinahalata.
Natigilan din si Kiko, saka umubo-ubo. Nahirinan yata.
Lahat ng mga kaklase namin eh natigilan din. Tumahimik bigla 'yung hilera ng table na kina-uupuan namin sa canteen.
"Huwag ka ngang ganyan," ang sabi ni Ella, sabay subo ng kinakain niyang adobo. "Baka mamaya may ibang makarinig sa 'yo, kung ano pa ang isipin," ang dagdag pa n'ya.
Natawa ng kaunti si Kiko, sabay inom ng tubig. "Buti na lang sanay na ako sa iyo. Kung hindi baka atakihin ako sa puso."
Tumahimik na lang ako at walang ekspresyon ang mukha na bumalik sa pagmememorya ko ng script.
"ANTIGONE" by Jean Annouilh. Ito ang produksyon nang aming University Theater group sa taong ito.
Alam naman ng mga classmates ko ‘yung eksenang minememorya ko. Ako si Haemon, ang anak na Prinsipe ni Creon, ang bagong Hari ng Tebas. Umiibig ako kay Antigone, ang rebeldeng anak na dalaga ng dating haring Edipo. Si Antigone ay nakababatang kapatid ni Ismene na siyang napili ng aking mga magulang upang aking maging kabiyak. Pero hindi matuturuan ang puso ng isang prinsipe, at handa siyang ipag-laban ang pagmamahal niya kay Antigone.
Gaya na rin ng matatag na paninindigan ni Antigone na ipaglaban ang karapatan ng kanyang mga namatay na mga kapatid na magkaroon nang matahimik na kaluluwa sa kabilang buhay. Ito ang dahilan kung bakit niya sinusuway ang utos ni Creaon na pagkaitan ng libingang bangkay ng isa sa kanyang kapatid matapos itong mamuno sa isang malawakang pag-aalsa laban sa Tebas.
"T'was my father who made the choice, not I. My heart beats only for you," ang sabi ko nang pabulong, habang parang nagko-concentrate ako na nakatutuk ang mata sa harapan ko. Paminsan minsan ay sinusulyapan ko si Kiko.
Hindi na ako pinapansin ng mga kaklase ko.
Hindi na rin ako pinansin ni Kiko. Itinuloy na niya ang pagkain.
"Alam mo, kumain ka na kaya," ang sabi ni Hope. "Nalilipasan ka na yata."
"You send me to where my heart does not wish to be," ang sagot ko kay Hope na parang naiiyak. "Ismene is but like a sister to me. I wish to be your protector," sabay bigay ng script kay Kiko na umiinom na ng tubig.
"Buti naman tapos ka na," ang sabi ko na medyo seryoso. "Dali, throw lines tayo."
"Mamaya na pag rehearsal," ang sagot n'ya.
"Ikaw ang SM," ang paalala ko sa kanya. "Kasama sa trabaho mo ang tulungan akong mag-memorya. Dali, basa!"
"A married life is not for me. For I have chosen a path only I can take," ang sabi ni Kiko habang binabasa ang lines. "Go to her."
"Let me follow you," ang sabi ko na nag susumamo.
"We all have roles to play in our lives. And we must all play them to the end. Just as your father must play the King and enforce the law, so has it fallen to me to protect my kin. Your role is to marry Ismene. To be a husband to her, and to inherit your father's crown. Take your lot in life and live with contentment."
"You lie, for you love me too," ang sagot ko kay Kiko.
"I know. And that is what makes our story sad…" ang sagot naman ni Kiko habang binabasa ang linya ni Antigone.
Ang cheap ng thrill ko, noh.
But at least, and let me point this out, no one will accuse me of not attempting to make my fantasy a reality.
Kina-career ko talaga ang tragic persona ni Haemon. In all things, nakaka-identify ako sa kanya. In preparation for my role, i walked around the campus with a tortured look on my face.
Kung minsan, hinahayaan kong medyo magulo ang buhok ko, tapos parang laging nag-iisip.
"Ano na naman ang nahitit mo?" ang laging pabirong bati sa akin ni Kiko. Ewan ko kung naaliw siya sa gimik ko, o talagang concerned lang siya.
At least, masaya ako na lagi kong kuha ang attention n'ya.
Tatlong taon na kaming magkasama ni Kiko sa Teatro. Nag-umpisa kami na parehong assistant stage managers. N'ung katagalan na, eh hindi na nabibigyan ng roles si Kiko. Talaga yatang wala siyang talent sa acting.
Pero magaling siya sa ibang bagay. Marunong siyang magtimpla ng kulay ng mga ilaw at mag-design ng gobo. Maganda rin ang mga nade-design niyang mga stage at furniture props. Pero ang talagang talent ni Kiko ay sa stage management. Nang tumuntong na kami sa Third Year, siya na ang resident Stage Manager namin.
Sinubukan kong sumawsaw sa trabaho niya pero madalas akong pumalya. Matapos ng isang produksiyon, ayaw ko na.
"Umarte ka na lang," ang sabi pa niya sa akin n'un. "Pa-iilawan na lang kita kay Jun nang magandang-maganda."
Lumulukso ang puso ko kapag nagsasalita siya ng mga kagaya nun. Kahit pabiro, sineseryoso ko ang mga yun.
Taga-Zamboanga si Kiko, kaya likas na malambing. Halatang-halatang nalahian ng Kastila ang dugo nila. I love his big light brown eyes at ang lips niya na medyo manipis. Tuwang-tuwa ako kapag ngumingiti siya dahil hindi niya ibinubuka ang labi niya. Nagmumukha tuloy siyang pilyong bata.
Kapag sobra na siyang natatawa, eh pipikit na lang siya at saka tutungo.
Hindi rin masyadong masalita, ‘di gaya ng karamihan sa mga laking-Maynila na masyadong opinionated. May breeding talaga ang probinsiyanong ito. Napaka-polite. Napaka-pino.
Natawa nga ako nung minsang nag-Chavacano siya habang kausap niya ang sister n'ya sa cell phone. "Parang halo-halong bisaya, Ilonggo at Spanish ang narinig ko, ah," ang sabi ko pa.
Hindi naman artistahing gwapo si Kiko, pero tama lang ang timpla ng pagka-mestisuhin n'ya. Hindi siya dapat mag-exert ng effort para maging malakas ang appeal. Kahit sa pagdadamit, hindi siya maporma. Sa simpleng puti itim na de kuwelyo, lutang na agad ang kakisigan n'ya. Kampante si Kiko sa sarili niya kaya kaya niyang dalhin ang kahit ano'ng suot niya. Hindi niya iniisip kung ano ang isusuot niya. Kung ano ang nahablot niya sa cabinet n'ya, 'yun na 'yon.
Kahit ang buhok niya, hindi sunod sa uso. Pagkatapos naming mag CMT, pinahaba na niya ito. Natural siyang kulot at balingkinitan ang katawan. Bilugan ng kaunti ang mga pisngi n'ya, at may malalalim na biloy sa magkabila kapag siya ay ngumiti. Kaya pag nakita mo siyang naglalakad sa malayo, iisipin mo tomboy. Mabuti na lang ngayun at medyo hinahayaan na niyang magka bigote at goatee siya nang kaunti. Kung minsan, gumagamit siya ng leather na tali para i-pony tail ang buhok niya.
But what makes him truly endearing eh yung kanyang peaceful nature. Para s'yang malamig na hangin sa gitna ng summer.
Tuwang-tuwa nga ang mga ka-klase naming babae sa kanya dahil ang dali niyang madrastahin. Hindi siya pumapatol kapag inaaway siya ng babae nang walang kadahi-dahilan. Utusan mong bumili nang meryenda at susunod lang siya. Ito naman ang dahilan kung bakit paborito siyang biruin ng mga girls.
Paborito rin siyang imbitahing escort sa mga parties kapag walang ka-date ang mga babae naming classmates.
Ang mga mata ni Kiko ang bumubuhay sa buong mukha niya. Nasanay kasi siya na makipag-titigan sa kausap niya. Hindi niya ‘yun consciously na ginagawa. Kahit kapag may pinag didiskusyunan kayo sa libro, titingin lang siya sandali sa libro, bago titingin uli sa ‘yo. Basta't hindi tapos ang usapan ninyo, hindi niya aalisin ang tingin niya sa mata mo.
Kung may sasabihin ka sa kanya, tititigan ka rin niya sa mata. Mararamdaman mo na para bang napaka-importante mong tao, at mahalaga ang mga sasabihin mo.
Pamatay ‘yun. Kahit teacher namin sa Math, kinikilig sa mga mata ni Kiko.
Minsan, tinitingnan ko siya kapag naka-suot siya ng ear monitor sa backstage at matamang sinusundan ng mga mata niya ang script, gusting gusto ko siyang halikan.
Simpatiko at charming. ‘Yun na siya.
Hindi naman talaga umiinog ang buhay namin sa kanya. May kanya-kanya kaming buhay, at mga relasyon. Natutuwa lang talaga kami kay Kiko kapag kasama namin siya. Kung wala siya sa paligid-ligid, hindi naman naming siya hinahanap, o nami-miss.
At least, ‘yun ang paniniwala naming lahat, hanggang ‘nung may i-announce si Direk nuong n'ung Dress and Technical rehearsal naming.
"Let us all thank Francis for having been an excellent Stage Manager," sabi ni Direk, na sinundan naman ng palakpakan naming. "This will be his last project with us."
Pare-pareho kaming natigilan.
Ngumiti lang si Kiko, na parang nahihiya.
"Bakit naman?" ang tanong ni Hope.
"Pauwi na kasi ako sa Zamboangga pagkatapos ng semester. Duon na rin ako tutuloy na mag-aral," ang sabi niya. "Kailangan kasi, para makatipid. Tsaka nasa Hospital si Papa namin. Mas mabuti na nanduon kami lahat."
Bumagsak ang energy ng ilan sa amin. Lalo na ako. "Isang taon na lang naman, eh," ang bigla kong nasabi. "Dito mo na tapusin dahil sayang naman."
"Gusto ko nga sana," ang sabi niya na nakangiti, "kaso na-settle na namin ng sister ko."
Tumahinik ulit ang grupo.
"Gusto mo ampunin ka namin?" sambit ni Ella na nakatira sa White Plains. "Okay lang ‘yun kina Daddy, kasi generous naman sila."
Ngumiti lang si Kiko at umiling.
Hindi pa man, nararamdaman na naming lahat ang pagkawala niya sa amin. Bakit ganun? Bago namin nalaman na mawawala siya eh parang okay lang kung nandiyan siya o wala?
Lalo na ako. Akala ko kasi, lagi siyang nandiyan, at kung aalis man eh papunta siguro sa abroad para humanap ng mas magagandang opportunities na alam kong kaya niya.
Hindi ‘yung balik probinsiya project na kung saan eh ang tingin ko eh magiging limitado ang choices n'ya.
Natapos naman ang DressTech namin, pero talagang masama ang timpla. Hindi performance level 'yung iba. Wala namang aamin, pero sigurado ako, karamihan eh nami-miss na si Kiko.
Pagkatapos kaming pagsisigawan at pagalitan ni Direk dahil sa aming "awful excuse for a performance," eh nagsimula na kaming magligpit at umuwi.
Kagaya nang dati, ang mga taga-backstage ang huling aalis. Sila ang mga magliligpit ng mga props at sets. Nakaalis na 'yung ibang mga actors nang matapos akong magbihis.
Talagang nagpaka-tagal tagal ako na naghintay, dahil gusto kong kausapin si Kiko. Nang Makita kong lumabas na ‘yung mga tao sa Technical Crew, saka ako pasimpleng pumunta sa Backstage.
Inabutan ko si Kiko na nagka-catalog ng costume accessories. "Mag-isa ka na lang?" ang tanong ko.
"Oo," ang sagot n'ya na parang pagod na pagod. "Pina-uwi ko na nang maaga ‘yung assistant ko para maaga siyang makarating bukas."
"Ano'ng oras ka uuwi? Sabay na tayo," ang aya ko.
"Dito ako matutulog ngayung gabi," ang sabi n'ya. "Marami pang dapat ayusin para sa opening ng show bukas."
Wala akong masabi kaya medyo natahimik kaming dalawa nang medyo matagal-tagal.
"Kain muna tayo," ang aya ko. "Sige na, ililibre kita."
"Talaga?" ang tanong niya na kunyari ay tuwang-tuwa. "Mapera ka yata ngayun?" ang usisa n'ya.
Gusto ko sana siyang ilibre sa mas may class na kainan. Sabi niya ay huwag na, pero mapilit ako. Alas-nuebe na kaya hindi kami kaagad nakahanap ng bukas na makakainan. At dahil gutom na rin kaming dalawa, ang ending ng libre ko eh sa McDonald's din pala.
"Okay naman dito ah," ang sabi niya. "Bakit ka pa ba maghahanap ng mas mahal?" ang tanong pa niya nang nakatingin sa akin, gaya ng dati.
"Gusto ko lang. Bakit ba?" ang sabi ko na medyo naiinis.
Tahimik naming kinain ang order naming. Paminsan-minsan eh nagko-comment siya tungkol sa kapalpakan ng rehearsal namin, pero deadma lang ako.
"Tahimik ka yata masyado ngayun," ang usisa n'ya nang naglalakad na kaming pabalik sa campus. "Ano a naman ang nahitit mo?" ang biro pa n'ya.
"Bakit ba ganyan ang lagi mong tinatanong sa akin? Kung ano ang nahitit ko? Mukha ba akong adik?" ang sagot ko.
"Ano ka ba? Nagbibiro lang po," ang alo niya.
Tumahimik uli kami hanggang sa makarating kami sa harap ng University Theater.
"Papasok na ako," ang paalam n'ya. "Thank you sa hapunan ha."
Hindi ako agad nakasagot. Tumingin lang ako sa kanya nang matagal.
"Sorry kung lagi ka naming inuutusan na bumili nang meryenda, ha," ang sabi ko sa kanya nang medyo mahina. "Hindi mo naman talaga trabaho ‘yun eh."
"Sus, wala ‘yun," ang sabi niya nang nakangiti. "Okay lang 'yun."
"Pagpasensiyahan mo na rin sana iyong mga tempers namin ha," ang sabi ko na medyo naluluha.
Bigla siyang natahimik.
I knew I was already saying too much, pero hindi ko mapigilan ang sinasabi ko.
"Sana, dito mo na tapusin ang kurso mo," ang sabi ko na halos maki-usap. "Lahat ng opportunities nandito."
"May iba pang darating na opportunities," ang marahan niyang katuwiran. "Iba lang kasi talaga ang sitwasyon sa amin ngayun. Hindi ko maiwasan."
Bahagya niya akong hinawakan sa balikat at pinaupo sa hagdanang bato sa harap ng teatro. Iniabot niya sa akin ang kanyang panyo para makapag-punas ako ng luha, saka niya ako inakbayan. "Ano ka ba," ang pabiro niyang alo. "Hindi naman ako mamatay, ah. Magkikita pa tayo ulit."
Hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi ko napigilan ang sarili ko nang bigla ko siyang halikan sa pisngi. Saka ako umiyak nang umiyak habang nakayakap ako sa kanya nang mahigpit. "Mami-miss kita," ang sabi ko nang paulit-ulit habang humihikbi.
Inaantay kong sapakin niya ako, pero hindi umiimik si Kiko. Bagkus ay panay lang ang hagod niya sa likod ko habang ako'y kanyang pinatatahan.
Nang medyo kumalma na ako ay inaya niya akong pumasok na sa loob ng teatro. "Dito ka na lang matulog dahil gabi na. Maaga pa tayo bukas," ang sabi niya nang mahinahon.
Ipinaglatag niya ako ng folding bed sa Green Room. "Matulog ka na," ang sabi niya. "Tatapusin ko lang ang ginagawa ko."
Nahiga lang ako at pilit na pumikit. Actually, nahihiya ako dahil sa kakaiba kong inasal kanina lang.
Shet! Where did that come from?
Trenta minutos na akong nakahiga at nagkukunwaring natutulog. Ang dami-dami kong naiisip. Ang dami-daming bumabagabag sa damdamin ko. Alam ko naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
Maya-maya pa ay dahandahan na akong tumayo at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Kiko.
Inaayos na naman niya ang plotting ng ilaw. Hayun, at nakatungtong siya sa ibabaw ng step ladder at ipinipihit ang direksiyon ng mga spot lights and flood lights.
Inalis niya ang kanyang t-shirt kaya wala siyang suot na pang-itaas. Tagaktak na ang pawis niya.
Bagay na bagay sa kanya ang kanyang hapit na jeans.
Dinampot ko ang isang tuwalya na naiwan sa stage floor at lumapit ako sa kanya.
Napatingin siya sa akin nang maramdaman ang paglapit ko. "Gising ka pa?"
"Hindi ako kasi makatulog," ang sagot ko. "Halika at pupunasan ko iyang likod mo. Baka ka mapulmunya."
Tiningnan niya ako at ngumiti siya nang pagka-tamis-tamis. "Ano na naman ba ang nahitit mo? Kanina ka pa nasesenti," ang pabiro n'yang tugon.
Lumapit siya sa akin at naupo nang nakatalikod sa akin. Pinunasan ko naman ang kaniyang pawis. "Huwag mong hayaan na matuyuan ka nang pawis. Wala na kami duon sa Zamboanga para mag-alaga sa 'yo."
Tulad nang dati, napayuko si Kiko at ngumiti. Pumihit siya at hinawakan ang kamay ko. "Salamat ha," ang sabi niya habang nakatitig sa akin. Kagaya nang dati. Matagal.
Hindi ko napigilan ang muling maluha. Pinunasan niya ng kanyang daliri ng luha sa pisngi ko. "I know..." ang sabi niya ng pabulong. "And that makes our story sad..." ang dagdag pa n'ya.
He's quoting Antigone.
Nagpasya na ako na pakawalan ang tunay kong damdamin. Kahit ngayung gabi lang. Hinalikan ko si Kiko sa labi. Mahigpit. Matagal. Mapusok. Sa bawat halik, ang pakiramdam ko'y mapapatid ang aking hininga.
Sinapo ko sa aking mga kamay ang kanyang ulo upang idiin pa ang kanyang mga labi sa akin. Kasabay naman nuon ay ang paghigpit nang kanyang yakap sa akin. Mainit. Nagliliyab.
Para akong nilalagnat at nagdedeliryo.
Naramdaman ko na naglalaban ang aming mga dila. Naghahalo ang aming mga laway. Sa pakiwari ko napapatid ang isang kakaibang uhaw na aking anraramdaman sa pamamagitan ng pag-inom ng isang napakalamig, napakasarap na sariwang tubig na tanging siya lamang ang nakakapagbigay.
Biglang umatras sa akin si Kiko. Nagdudugo ang kanyang labi. Tinitigan niya ako na parang nagtatanong. Nalilito sa bilis ng mga pangyayari.
Nakita ko ang aking sariling repleksiyon sa kanyang mga mata. Para akong nahulog duon at nagsimulang lumubog. Nagsimulang malunod. Marahan kong dinampian ng aking labi ang kanyang mga mata, at muli ay hinalikan ko ang kanyang mga labi.
Matamis para sa akin ang lasa ng kanyang dugo. Nakakabuhay. Nakakahibang.
Bahagya akong itinulak ni Kiko palayo. "Ano ba ang nangyayari sa iyo?"
Hindi ko maintindihan ang tanong niya. Ano bang hindi malinaw sa ginagawa naming dalawa ngayon? Sinubukan kong yakapin siya pero pinigilan niya ako.
Sinapak ko siya sa mukha, saka niyakap ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Pilit kong pinagsasanib ang aming mga katawan. "Huwag mo akong iiwan…" ang pagmamakaawa ko sa kanya. "Huwag mo akong iiwan."
Napakasarap ng init ng kanyang katawan sa aking balat. Ang kanyang sariwang-sariwang amoy. Ang alat ng kanyang pawis. Habang yakap ko siya ay para akong nagliliyab. Parang natutupok.
Hindi na siya umiwas o nanlaban ng halikan ko siyang muli. Sa bawat halik ko na dumampi sa kanyang labi, sa kanyang pisngi at leeg ay wari'y ko'y lumilipat sa akin ang kanyang lakas.
Tuluyang napahiga si Kiko sa sahig. Marahil ay sa sobrang pagod na rin kung kaya't siya ay napapikit. Patuloy kung hinalikan ang kanyang leeg na parang tumitikim ng kakibang putahe. At sa bawat halik, lalong nanghihina at nanlulupaypay si Kiko, habang ako naman ay parang lumalakas. Nauulol.
Bahagya kong kinagat si Kiko sa gilid ng kanyang leeg. Napahawak siya sa aking buhok at bahagya niya akong sinabunutan, ngunit hindi ko siya tinigilan.
Napangiwi ang kanyang mukha, tanda na siya ay nasasaktan. Pero hindi niya ako pinigilan.
Itinuloy ko ang paninibasib ng halik sa kanyang dibdib, at muli ay kinagat ko siya nang bahagya, ngayon naman ay ang isa sa kanyang utong. Napahigpit ang yakap ni Kiko sa akin. Lalong lumalim ang kanyang paghinga. Kagat-kagat niya ang kanyang labi at nakapikit ang kanyang mata.
Pinagapang ko ang aking palad mulasa kanyang dibdib, dahan dahan papunta sa kanyang tiyan. Ramdam na ramdam ko ang parang alon na pag-indayog ng kanyang kalamnan habang bumibilis ang kanyang paghinga.
Umungol siya ng bahagya. Parang nadadarang sa apoy.
Sandali syang dumilat at napansin ko na halos tumitirik ang kanyang mata.
Binuksan ko ang butones ng kanyang pantalon. Napatingin siya sa akin habang hawak ko na ang kanyang zipper. Hinalikan niya akong muli habang dahan-dahan kong binubuksan ko ang kanyang zipper upang pakawalan ang naninigas niyang titi.
Nakaramdam ako ng basa. Nuon ko napansin na nilabasan na pala si Kiko at basangbasa na ang namumukol at nangingintab niyang brief na kulay grey. Hinimas-himas ko ito ng sandali saka tuluyang ibinaba.
Madulas na madulas ang titi ni Kiko dahil sa kanyang masaganang tamod, pero hindi ko ito kinakikitaan ng panlalabot. Bagkus ay nanatili itong matigas.
Pakiramdam ko ay ako naman ang mapapatiran ng hininga sa tindi ng kanyang halik, at halos higupin ni Kiko ang aking kaloob-looban habang sinisimulan kong dyakolin ang kanyang naninigas na titi.
Pinaglaro ni Kiko ang kanyang mga daliri sa aking buhok, habang tuluyan na niyang ipina-ubaya sa akin ang kaniyang katawan.
At sa bawat impit na ungol na naririnig ko sa kanya, ang pakiramdam ko naman ay lalo akong lumalakas, at lalong tumitindi ang aking kapangyarihan.
Kayang-kaya ko na siyang patayin kung gugustuhin ko, para kailan man ay hindi na niya ako iiwan pa. Nang sa gayun ay palagi ko na siyang makakasama.
"Angkinin mo na 'ko" ang bulong ni Kiko.
Isinubo ko ang halos nanlalagkit at naninigas niyang titi. Napapikit ako habang nanuot sa aking pandamdam ang matapang na halimuyak ng kanyang pagka-lalaki.
Isang malalim na buntung hininga ang narinig ko kay Kiko.
Hindi ako marunong tsumupa. Ito ang kauna-unahang beses ko. Kaya't dahan-dahan kong iniluwa ulit ang titi ni Kiko. Muli kong isinubo ang ulo nito na mistulang isang makatas na strawberry. Nilaro-laro ko ito ng aking dila, at dahil ito nga ay pinadulas na ng kanyang tamod ay lalo namang nakiliti si Kiko.
Ilang sandali pa ay hinila ko nang pababa sa kanyang tuhod ang kanyang pantalon at basang-basa na brief. Binuksan ko na rin ang aking pantalon saka ito ibinaba hanggang tuhod, kasunod ng aking brief. Dyinakol ko sandali ang aking titi bago ako pumatong kay Kiko.
Nagtapat ang aming mga titi at bayag na nagdulot sa akin ng kakaibang sensasyon. Niyakap ko nang mahigpit si Kiko habang hinahalikan kong muli ang kanyang leeg. Minsan ko pang kinagat ang tagiliran ng kanyang leeg habang patuloy kong iniindayog ang aking katawan.
Isang makapangyarihang sayaw ang nagaganap. Isang hindi matatawarang obra.
Untiunting dumiin ang ngipin ko hanggang sa naabot ko ang sukdulan.
Si Kiko naman ay wari'y mauubusan na ng hangin.
At sa sandaling iyun ay napapikit ako. Damang-dama ko ang paghinga ni Kiko. Ang tibok ng kanyang puso. Ang galaw at ritmo ng kanyang katawan ng sandaling iyun.
Humahalimuyak din ang pinaghalong amoy ng aming mga pawis at tamod.
At sa hindi ko pa maipaliwanag na paraan, damang-dama ko na nagsanib nang sandali ang aming pagkatao.
Sa mga sandaling iyun, hindi na kami dalawa, kundi iisa. Si Kiko at ako ay iisa na.
Isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin kami makahanap ng sapat na salita upang makapag-usap.
Pero kahit sa katahimikan, nagtatagpo at nagkakaunawaan ang aming mga damdamin at isipan.
May banayad na ngiti sa kanyang mga labi habang naninigarilyo si Kiko at nakatingin sa akin.
Hindi pa rin niya isinasara ang kanyang butones at zipper ng pantalon. Katulad ko, hindi pa rin siya nagti-t-shirt.
Ako naman ay nahihiyang pasulyap-sulyap sa kanya habang humihigop ako ng mainit na kape.
Ni hindi namin pinunasan ang naghalo naming tamod at pawis nakakalat sa bahagi ng aming tiyan at pababa.
Inalok ko siya na uminom sa aking tasa, na siya naman niyang pina-unlakan. Saka niya ako hinalikan. Isang halik na mas makahulugan, at mas malalim.
Mag-aalas-sais na ng umaga. Alas-otso ang schedule ng aming unang palabas.
"Magbihis ka na kaya," ang sabi ni Kiko. "Darating na 'yung iba."
Inubos ko na ang aking kape saka ako tumayo at pumunta sa green room. Nilingon ko siya sandali. Naka-upo pa rin siya at nagsusuot ng t-shirt. Hindi pa rin niya pinunasan ang bakas n gaming pagtatalik sa kanyang katawan.
Napansin ko rin na payapa ang kanyang mukha.
We had six successful performances in our two week-end run. Laging puno ang audience. At n'ung final curtain call, nuong sa huling pagkakataon ay namatay ang mga ilaw ng tanghalan sa aming set, ang pakiramdam ko naman ay nagdilim nang tuluyan ang aking buhay.
Namatay din, kasama ng mga ilaw, ang aking karakter na si Prinsipe Haemon, na umiibig ng wagas kay Antigone.
Bukas na bukas din ay babaklasin na nga mga taga-property and set. At itatago na rin ng mga costume mistresses ang mga kasuotan naming ginamit.
Wala na si Kiko nuong Cast Party namin. Kailangan pa niyang magmadali para bumili ng ticket dahil bukas na ang kanyang uwi.
During the week, in between performance weekends, ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap. Kailangan niyang mag-concentrate sa aming mga final exams para nga naman magaganda ang grades na maipapakita niya sa lilipatan niyang paaralan sa Zamboanga.
Hindi namin nagawang pag-usapan ang naganap sa aming dalawa. Hindi nagawang unawain kung ano nga ba ang tunay na nararamdaman namin sa isa't-isa.
Gusto ko sana siyang bigyan ng regalo na makapagpapaalala sa kanya ng pagkakaibigan namin.
Habang nagsasaya ang buong cast sa isang matagumpay na palabas, pakiramdam ko naman ay may isang malaking butas sa dibdib ko. Isang kawalan na mabigat isipin.
Inanunsyo naman ng aming Artistic Director ang susunod naming palabas para sa second semester.
"Henrik Ibsen's GHOSTS. I need two women and five men, plus alternates. Auditions will be on Wednesday during the semestral break," ang sabi n'ya.
Natapos din ang party at nagsimula na akong magbihis. Binubura ko ang aking make-up nang may mapansin akong papel na nakakabit sa aking salamin. Isang tula galing kay Kiko.
"Masarap ang maglakbay
"At harapin ang hamon ng buhay.
"Kung minsan ay masaya
"Kung minsan ay malungkot.
"Kung minsan ay may naiiwang sugat
"Masakit sa loob.
"Tandaan mong lagi na ang gabi ay natatapos
"Lumilipas ang hapis, Lumilipas ang unos.
"Kung tayo'y maghiwalay man
"Sa ating paglalakbay
"Tandaan mong hindi dito nagtatapos
"Ang tunay na ligaya ng buhay
"Ito ay isang pangako na aking tutuparin
"Sa aking pagbabalik, puso mo'y aking aangkinin."
Kalagitnaan na nuon ng Oktubre. Magtatapos na ang unang semester. Paglabas ko ng tanghalan ay sinalubong ako ng kakaibang lamig ng simoy ng hangin.
Nalalagas na rin ang ilang mga dilaw na dahon sa mga puno. Tanda nang patuloy na paglakad ng panahon, at ng papalapit na tag-lamig. Alam kong mas magiging maginaw ang aking Pasko ngayong taon.
No comments:
Post a Comment