"Kamusta ka na?
Natigilan ako nang marinig muli ang boses niya. Ang tinig niya na nagbabalik sa akin sa isang bahagi ng aking buhay – isang gabi ng pinaghalong kaligayahan at kalungkutan.
"Nand'yan ka pa ba?" ang tanong ni Kiko.
Sandali kong tinitigan ang telepono. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin.
"Love, sino 'yan?" ang tanong ni Ivy na galing sa kusina, dala ang masarap na hapunan na ipinangako niya sa akin.
Isa sa dalawang pangako na aking haharapin ngayung gabi.
Tinakpan ko ng palad ko ang speaker-end ng telepono para hindi marinig ni Kiko ang sasabihin ko. "Wala," ang sabi ko kay Ivy. "Ito yata 'yung kausap ni Bubbles na gustong mag-sponsor ng show mo."
Si Ivy ay nakilala ko nang ako'y nagtratrabaho na bilang Artist in Residence ng isang professional Theater Company sa Metro-Manila. Si Ivy ay nagtra-trabaho bilang isang Sales Executive sa isang malaking Insurance Company. Ang Tanghalan ay isa lamang dibersyon sa kanyang mapaghamong buhay. Katulad ng iba na nagkaka-interes sa Tanghalan, nagsimula si Ivy sa pag-attend ng mga workshops tuwing summer. Gumanap siyang Laura Wingfield sa dulang The Glass Menagerie ni Tennessee Williams. Ito ang kanilang showcase production.
Ako ang kanilang Stage Manager. That was three years ago.
"Imbitahin mong mag-dinner," ang payo ni Ivy. "Marketing ploy din 'yun. Amina, kausapin ko," dagdag pa niya, sabay akmang pag-abot ng telepono.
"Hindi, ako na," ang dagli kong sabi. "My friend would like to know if you can join us for dinner tomorrow," ang tanong kong bigla – kay Kiko.
Si Kiko, ang pinaka-espesyal na ala-ala ko sa buhay estudyante ko nuon; may pitong taon na ang nakararaan. Nasa Third Year ako, unang semester. Tatlong taon na ng mga pangarap sa tanghalan ang magkakasama naming binuo nila Kiko at ng iba ko pang mga ka-klase. Mga pangarap na natupad naman din, pero sa ibang paraan.
Dahil humiwalay si Kiko. Dala ng mga hindi maiiwasang pangyayari ay napilitan siyang umalis ng Maynila at umuwi sa Zamboangga kung saan ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.
Kasabay ng kanyang pag-alis ay ang pag-usbong naman ng katotohanan ng aking pagtatangi sa kanya, at ng pagtanggap, at pagyakap ko sa aking tunay na pagkatao.
"Si Francis ito, ano ka ba?" ang sabi ni Kiko. Tulad ng dati ay malambing at malamig sa pandinig ang kanyang tinig, kahit pa siguro nalilito siya sa kakaiba kong inaasal. "Ano na naman ba ang nahitit mo?" ang tanong niyang pabiro.
"Five-thirty, tomorrow?" ang sagot ko. "That's okay, I'm free. Say, sa Mega Mall? ‘Yung Korean Resto sa fourth floor?"
"Busy ka yata," ang sagot ni Kiko na parang may hint ng disappointment sa kanyang boses. "Anyway, nandito ako ngayon sa Maynila. I have some business to attend to. Sige, kita tayo sa Mega Mall bukas," ang sabi niya, at walang paalam na pinatay ang cellphone niya.
Talagang natagirgir ako sa tawag n'ya. Alam ko. Kasi naka-apat na basong tubig yata ako bago ko malunok ‘yung isang kutsarang pagkain na isinubo ko.
"Are you dehydrating ba?" ang pabirong tanong ni Ivy, saka siya tumawa.
"Masarap…" ang sagot ko naman, saka ako sumubo ng isa pa. Ewan ko kung nagka-intindihan kami.
May sinasabi si Ivy, pero hindi yata Tagalog. Ewan ko kung ano, kaya itinuloy ko na lang ang pag-nguya.
"Funny, di ba?" ang sabi niyang bigla.
Tumawa naman ako, at tumungo.
"Bakit ka natatawa?" ang tanong ni Ivy na parang naiinis. Honest, talaga, hindi ko alam kung bakit.
"Ano ba ‘yung sinabi mo ulit kanina?" ang tanong ko na medyo mahina.
"Sabi ko, it was a weird day yesterday. Imagine, paglabas ni Mama ng bathroom, na-slip s'ya sabay bagsak sa sahig. So we had to scoot her off to the hospital, where suddenly eh may Power failure. She nearly died from all that pain. Tapos saka ko nakita sa calendaryo na it's a Friday the thirteenth pala. I said I grew up not believing in superstition, tapos these things would hit me in the face. I find that kind'ah funny, don't you? Not funny as in nakakatawa. Funny as in, weird. Strange. Di bah?" ang sabi niya na ewan ko kung humihinga.
I didn't know exactly what to say, kaya itinuloy ko na lang ang pagkain ko.
"So, will you meet him tomorrow?" ang tanong ni Ivy. "I'm warning you, ha."
Shet, may alam ba si Ivy tungkol kay Kiko? "Bakit, ano bang akala mong gagawin namin?"
Ivy looked genuinely shocked. "Ano ka ba, Gabriel? The last time you went out with prospective sponsors eh nalasing ka, tapos you picked a fight with the guards. Pinagsasabihan lang kita na sa susunod mong gagawin ‘yan, we won't bail you out."
Ano ba talaga ang nagustuhan ko kay Ivy? Bakit ba hinahayaan ko siyang imadrasta ako nang ganito? Hindi naman perpekto ang skin niya. Medyo tabingi pa nga yata ang pisngi n'ya. Pero for some strange reason eh na-involve ako sa kanya.
Baka talagang iba lang ang epekto ng stage lights sa Theater. Kapag nag-halo na ang pula at ang asul, at dahil nga sa stage make-up, eh nabubura na ang blemishes mo.
Nagbabago ang hitsura mo.
And then you create this perfect illusion of a character – someone who is far removed from who and what you really are. Parang ‘yung mga mumunting laruang kristal ni Laura – isang pintuan sa daigdig ng ilusyon.
Baka nga ‘yun si Ivy, para sa akin. Isang Ilusyon.
Natatandaan ko ‘yung Ivy na ‘yun. S'ya ‘yung kasama ko nuon sa rooftop ng Shangri-La, pagkatapos ng aming palabas.
Sa Shangri-La pa nuon naka-base ‘yung group namin.
"Why do you want to be an actress sa theater?" ang tanong ko sa kanya nuon.
Ngumiti lang siya at tumingala sa kalangitan. Maliwanag nuon ang buwan at kitang-kita ang mga mumunting tala. At dahil walang ibang pinanggagalingan ng liwanag sa ganuong kataas na lugar, mas maliwanag ang buwan, at may kakaiba-itong kagandahan.
"Did you know what the ancients believed about actors and actresses?" ang sabi niya na parang isang napakahiwaga at napakagandang panaginip sa gabi ng gitnang tag-araw. "Sabi nila nuon, ang mga actors daw ang nagsisilbing tinig ng mga diyos at diyosa. Kaya nga nagsimula ang teatro bilang isang religious festival hindi ba?"
‘Yun ang tingin ko sa kanya nuon. Isang diyosa. Isang tula. Isang napakamasidhing prosa. Parang nananahan sa kanyang pagka-tao ang lahat ng palaisipan at kasagutan ng buong kasaysayan.
I remember crying when she "lost her baby" as the enigmatic Hedda Gabler. I cried again when her husband Jason betrayed her as the tragic Medea. And when I designed the set para sa local production ng Evita, I made sure that her Casa Rosada scene would be grand. I used materials that were barely seen. Nothing should block the view to her full splendor.
She was perfect in her white gown and glittering jewels, as she sang "Don't Cry For Me Argentina."
"I had to let it happen. I had to change.
"Couldn't stay all my life down that hill,
"Looking out of the window, staying out of the sun.
"So I chose freedom, running around,
"Trying everything new.
"But nothing impressed me at all.
"I never expected it too…"
That was the Ivy I fell in love with.
"Why are you singing that song?" ang bigla niyang tanong. Si Ivy ang nagtanong.
Nasaan na ba ako? Oo nga pala. I'm here, at her house. And we're having dinner. At kanina lang, eh naka-usap ko si Kiko.
Si Kiko, na may pangako.
"Sa aking pagbabalik, puso mo'y aking aangkinin..."
"You know what. I really need to go home now," ang sabi ko. Sabay tayo.
"You've barely touched your food," ang sabi ni Ivy.
"That's right," ang sabi ko. Sabay tingin sa pagkain. "What is this anyway?"
"Lamb chops," ang sagot n'ya.
"How can you!" ang kamuntik ko nang sigaw. "You eat cute little, huggable lambs? That's disgusting!" ang sabi ko, sabay talikod at naglakad papunta sa kotse ko.
Ewan ko kung ano ang reaksiyon n'ya dahil hindi ko na tiningnan pa.
Hindi ko matandaan kung talaga bang naging kami ni Ivy. Kung niligawan ko ba s'ya, o basta na lang kami laging magkasama. She calls me "love," pero that's her term of endearment for everyone she knows.
She kisses me, yes. But she also kisses everyone she knows.
We have dinner every now and then. We share stories. We share our dreams. Does that mean anything at all?
O isa lang ba s'ya sa maraming taong nakilala ko sa aking mahabang paglalakbay sa buhay?
"Masarap ang maglakbay
At harapin ang hamon ng buhay.
Kung minsan ay masaya
Kung minsan ay malungkot.
Kung minsan ay may naiiwang sugat
Masakit sa loob."
Shet, saan ko nga ba nabasa ‘yun? Alam ko tula ‘yun. Na-discuss yata namin nuong college, sa Panitikang Pilipino...
"Tandaan mong lagi na ang gabi ay natatapos
Lumilipas ang hapis, Lumilipas ang unos.
Kung tayo'y maghiwalay man
Sa ating paglalakbay
Tandaan mong hindi dito nagtatapos
Ang tunay na ligaya ng buhay"
It's playing in my damn head! At my boses na ngayon. Boses ni Kiko! Schizophrenic na ba ako?
Araw – araw kong binabasa ang tula niyang ‘yun nuon. ‘Yung tulang iniwan n'ya sa salamin ko sa dressing room. Dahil hindi na kami nag-kita pagkatapos ng huling palabas.
‘Yung tula niyang ‘yun ang patuloy kong pinanghawakan. Patuloy kong iniyakan ng kung ilang buwan din. Isang tanda ng masarap na ala-ala. Isang gabi ng hamunin ng pagmamahal ang puso ko. Naging masaya, na nauwi sa kalungkutan.
Parang may sugat na naiwan sa puso. Mahapdi sa pandamdam.
May kung ilang buwan ko rin siyang kinakausap sa mga pangarap ko. Lagi ko siyang napi-picture out na kasama sa kuwarto ko. Kasabay sa paglakad ko. Kasabay ko sa pagkain, at kahit sa trabaho ko sa backstage.
Palagi ay iisa lang ang kanyang hitsura. Ang hitsura niyang naiwan sa aking isipan n'ung huling gabi bago ang aming palabas. Ang kanyang matang nangungusap. Ang kanyang mga ngiti
"Ito ay isang pangako na aking tutuparin
"Sa aking pagbabalik, puso mo'y aking aangkinin."
Ito na ba ang araw na sinasabi niya?
Tiningnan ko sandali ang aking itsura sa salamin. Marami nang nagbago. Iba na ang ayos ng buhok ko. Sumusunod na ako sa mga uso ngayun, hindi katulad nuon. Nuong simple pa lang ang buhay ko sa College. Nuong dapat pa akong magtipid dahil naka-budget ang pang-araw-araw ko. Nuong kuntento na ako sa fishballs, kikiam at maanghang na pusit duon sa stand na naka-pwesto malapit sa Abelardo Hall.
Bakas na rin sa aking mukha ang ilang mga dinaanan kong problema sa buhay.
‘Yung unang credit card ko na hindi ko mabayad-bayaran.
‘Yung panganganak ni Ate Salve na umubos sa lahat ng laman ng savings account ko.
Pitong taon na ang nakalipas nang huli kaming nagkita. Marami nang nagbago – sa loob at sa labas.
May kumakatok sa bintana ng kotse ko. Si Ivy. I rolled down the window.
"Akala ko ba aalis ka? Fifteen minutes ka na na nand'yan," ang sabi niya na parang naiirita.
Nasaan na ba ako? Mabilis na umikot ang mga mata ko. Nasa loob ako ng kotse ko, hawak ko ang manibela. Nasa parkway ako ng bakuran nila Ivy, at nakaharap ako sa bukas nilang gate.
Walang sabi-sabi na pinaandar ko agad ang kotse, saka umalis.
Isang laksang tanong ang umaandar sa isipan ko. Punyetang Kiko yan. Bakit ba ganyan ang epekto n'ya sa akin? I'm usually a rational and very level headed person. Bakit ba ako nagkaka-ganito?
Pagdating na pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako agad sa bathroom. Pinaandar ko ang shower at hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig sa aking buong katawan.
Huli na nang mapansin kong nakadamit pa pala ako. At kasabay na nabasa ng damit ko ang mga bills ng kuryente, ng tubig at ang account billing ko sa Globe.
Nagkarelasyon din naman ako ng dalawa pagkatapos ng nangyari sa amin ni Kiko. Nagka-girlfriend ako ng isa (si Ella, na classmate ko), at isang boyriend - si Greg ('yung pumalit na resident stage manager pagkatapos ni Kiko.)
Kung tutuusin nga eh mas masidhi pa ang nangyari sa amin nina Ella. Walang-wala sa nangyari sa amin ni Greg, at lalo naman sa nangyari sa amin ni Kiko na parang larong bata lang.
So, bakit ba ako nagre-react ng ganito?
"Ito ay isang pangako na aking tutuparin
"Sa aking pagbabalik, puso mo'y aking aangkinin."
Parang multong bumabalik-balik sa isipan ko ang mga huling katagang ito sa kanyang tula.
Aaminin ko na matagal kong hinintay na tuparin niya ang ipinangako niya. Matagal akong nagbaka-sakali na tatawag siya. Ito ang dahilan kung bakit pinaka-ingatan ko ang aking cell phone number. Hindi ako nagbago ng numero, at nagging maingat ako sa pag-gamit ng telepono in public para hindi ma-snatch ang unit ko.
Hanggang sa nawala na sa uso ang gamit kong phone. Hindi pa rin ako nag-palit. Hanggang sa napagod na lang ako ng kahihintay. Hindi ko pa rin pinalitan ang number ko, dahil may mga ibang contact ako na nakalagay sa list ko. Natatandaan ko n'ung binura ko ang pangalan ni Kiko sa list.
May kaunting kirot at pait. Pero dapat magpatuloy ang buhay. ‘Yun ang payo ko sa sarili ko.
At nakilala ko nga si Ivy.
Tama, naalala ko na.
It was during her last night of performing the role of Evita. The local producers agreed to incorporate Madonna's song, "You must love me" mula sa film version. She was wearing this magnificent white, glittering gown. And she has just ended her scene with the enigmatic Che.
She stood high at center stage, a tragic image of a dying heroine who is valiantly fighting to the very end. She looked at me then, at my dark little corner at down-stage right, behind the wings.
"Where do we go from here?
This is not where we intended to be.
We had it all, you believed in me…
I believe in you…
Certainties disappear.
What do we do for our dreams to survive?
How do we keep all our passions alive like we used to do?
Deep in my heart I'm concealing,
Things that I'm longing to say.
Scared to confess what I'm feeling…
Frightened you'd slip away…
You must love me…"
Everyone who was with me at the wings were looking at me. Because I was crying. Hindi ko alam kung bakit.
And when the final curtain fell amidst the audience's applause, I approached her. Everyone was looking at me. At us, as we quietly looked at each other.
The actress and the stage manager. She in her wonderful costume. Me in my black attire and head set.
She was smiling, looking at me as if unsure of what to do next.
And when we finally hugged each other, and kissed, the cast broke into an enthusiastic applause.
It came at the trail of long months of cat fights. We always disagreed on a lot of things, before we became good friends. Then we'd do casual dates with a group of friends, watching movies and concerts. Eating out and having beer. Doing the rounds of museums.
She was a complete, orgasmic experience, in an artistic kind of way.
But then, like all things art, it is never clear where reality and imitation part ways.
Shet. Hindi kaya nasosobrahan lang ako ng kape?
The following afternoon, five-fifteen pa lang ay nasa Mega Mall na ako. Nakasuot ng simpleng t-shirt at jeans. Sinadya kong magtigil muna duon sa shop directly opposite sa Korean Resto, para Makita ko ‘yung mga pumapasok sa loob.
Five-thirty dumating si Kiko. Nasa oras pa rin.
My jaw fell and made clattering noises as it hit the floor.
Everything about him is exactly as I remember him. Mula sa ponytail niya hanggang sa black leather sandals na hindi na yata niya pinalitan.
The brown eyes. The thick eye brows. The aquiline nose at medyo bilugang mukha na may biloy.
The tall tale signs of his Filipino-Spanish pedigree.
Kung may nagbago man ay mukhang lumusog siya ng kaunti, pero kaunti lang. Tamang-tamang nagka-laman ang dati ay balingkinitang frame.
Bagay na bagay pa rin sa kanya ang jeans.
Pagka-upong pagka-upo niya ay inilabas niya ang kanyang cell phone.
Nag-ring ang phone ko.
"Nasaan ka na?" ang tanong niya ng nakangiti.
"Parating na ako," ang sagot ko.
And then it all came back. The hamburger we ate for dinner. The quiet walk back to the theater house. Nang paupuin niya ako sa may steps sa harap ng teatro para patahanin.
"Ano ka ba," ang pabiro niyang alo. "Hindi naman ako mamatay, ah. Magkikita pa tayo ulit," ang sabi niya nuon.
At heto na nga siya ngayun.
Nagulat pa si Kiko nang makita niya ako.
Kahit ako, nagulat. Dahil naroon na pala ako sa tabi niya. Sa tabi ng silyang inuupuan niya.
Tumayo siya para batiin ako.
Ewan ko kung bakit bigla ko siyang hinalikan sa labi. Matagal. Punong-puno nang pananabik. Ng pagmamahal.
Ramdam na ramdam ko ang mga mapang-usyosong mga tingin ng iba pang mga costumers at crew sa restaurant, pero wala akong paki-alam.
Bigla kong tinigilan ang paghalik sa kanya, sabay sampal sa kanyang mukha.
Saka ako tumalikod at lumabas ng walang sabi-sabi. Alam kong sinundan niya ako pagkatapos ng ilang minuto.
"Ano ka ba?" ang paangas niyang tanong habang sinasabayan ako sa paglalakad. "Palagi mo na lang akong sinasaktan. Ang tagal-tagal nating hindi nagkita, tapos sasampalin mo lang pala ako. Ano na naman ba ang nahitit mo?"
"Bakit ba ‚yan na lang ang lagi mong tinatanong sa akin? Kung ano ang nahitit ko?" ang paangas ko ring tanong. "Mukha ba akong adik-adik?"
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa kotse ko. Tahimik pa rin kami habang nagda-drive. Paminsan-minsan ko siyang binabato ng tingin pero hindi siya sumulyap man lang sa akin. Nakakunot ang kanyang nuo, halatang naiinis sa iniaasal ko.
Eh bakit nga ba nagkakaganito ako?
Dumiretso ako sa bahay, at tahimik na bumaba sa kotse. Sinundan pa rin niya ako.
Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ay hinila niya ako. "Ano ba talaga ang problema mo?" ang tanong niya.
Hindi na naman ako nakasagot, dahilo siniil ko ulit siya ng halik. Mas masidhi kesa kanina. At ginantihan din naman niya ako. Mas mainit. Mas mapusok.
Nasa ganuon kaming ayos habang pumapasok kami sa loob ng bahay. Isinara ko ang pintuan habang hinahabol ko ang paghinga.
Napakatamis pa rin ng kanyang labi. Parang binubukalan ng isang kakaibang malamig na tubig na tunay na nakapagpapatid ng uhaw.
Para akong tinatakasan ng katinuan, nang mapansin ko na lamang na maliwanag ang loob ng bahay.
Natigilan ako at tumingin sa paligid.
Naroon si Ivy, at ang mga kasama namin sa Tanghalan. May kaunting handa. May mga lobo, at isang banderang yari sa kartolinang puti at crayola. "Happy Birthday Gabs, we love you!" ang sabi nito.
Parang nasaniban ng kung ilang demonyo ang mukha ni Ivy. "I can explain this," ang nasabi ko lang, bago ako sinampal ni Ivy at pinag-walk out-tan.
Wala akong nasabi. Hindi na ako nakapag-isip. Tahimik na umalis paisa-isa ang iba pa naming mga kasama.
Hanggang si Kiko na lang ang natitira. Nilapitan niya ang maliit na larawan naming dalawa ni Ivy. Yakap-yakap ako ni Ivy sa larawan at hinahalikan sa pisngi. Matagal niya itong tiningnan, saka siya humarap sa akin.
"Alamin mo munang mabuti kung ano talaga ang gusto mo sa buhay," ang mahina niyang sabi. "Saka na lang ako babalik kapag maliwanag na sa iyo ang lahat."
Pinunasan niya ng kanyang kamay ang luhang tumulo sa kanyang mga mata, saka siya tahimik na umalis. Katulad ng iba.
Nag-file ako ng indefinite leave sa Company Manager ng aming group. Dala na rin siguro ng sobrang hiya sa iniasal ko.
Matapos ang dalawang buwan, nalaman ko na lang na wala na sa grupo si Ivy. Nag-resign na rin siya sa kumpanyang pinaglilingkuran niya.
Sinubukan kong tawagan ang si Kiko sa kanyang Cell Phone, pero laging out-of-coverage-area.
Ako naman ay nagpasyang bumalik sandali sa pag-aaral. Nag-enrol ako ng Masters Course sa Production, duon na rin sa pamantasang pinanggalingan ko. Mabilis na lumipas para sa akin ang dalawang taon. Kasabay nito ang paghilom ng pinaka-huling sugat na ininda ng aking puso : ang pagkawala ni Ivy, at ang muling pagkawala ni Kiko.
Pagkatapos na pagkatapos ko ng masteral ay inanyayahan ako ng aming Dean na magturo sa aking salik. Tinanggap ko naman ang hamon. Ewan ko kung dahil talagang gusto kong magturo, o gusto ko lang na may mapagtuunan ng pansin para maibaling ang aking atensiyon mula sa kalungkutan na aking nararamdaman. Ikalawang taon ko na ngayun sa pagtuturo.
Lubusan na ring nagbago ang aking hitsura. Umikli na ang aking buhok na mas bumagay sa aking bagong propesyon – ang pagtuturo.
At dahil nga sa tanghalan pa rin ang aking buhay, I was assigned to direct one of the plays na ipapalabas namin sa aming susunod na season.
Ang dula, "Antigone" ni Jean Anouilh. Sa ika-sampung taon matapos kong gampanan ang character ni Haemon ; matapos ang masidhing ala-ala ng huling gabi ng pagsasama namin ni Kiko bilang mag-kamag-aral, ay heto na naman ang mapag-larong dulang ito na talaga yatang batik at sumpa sa aking pagkatao.
Maraming ala-ala ang parang mga multong nagbabalik sa akin. Sa loob ng dating tanghalan. Sa rehearsal hall. Sa dressing room. Mga multo ng kahapon. Pero matapos ang mahabang panahon, ay wala na ang hapdi at kirot.
Sa huling gabi ng aming palabas ay mas marami ang mga taong nagsidalo. Karamihan ay mga estudyante, at mga magulang ng mga nagsiganap.
Mabilis na natapos ang kaunting handaan ng cast and crew, saka umuwi na ang lahat. Ako na lamang at ang stage manager ang natira. Ang estudyante kong si Mae Ann. Nasa stage ako nuon, naka-upo sa may set habang abala si mae Ann sa pagliligpit ng mga gamit.
Bukas na bukas din ay babaklasin na ng production design crew ang set.
Pagkatapos magligpit ni Mae Ann ay nag-paalam na rin siya. Lumapit siya sa akin at inabot ang isang bote ng Champagne, kasama ang isang kopya ng aming playbill.
"Ano to?" ang tanong ko na medyo natatawa.
"Ipinaabot sir, nu'ng dalawa duon sa audience," ang sabi niya, saka tumalikod at umalis.
Nanlamig ang buong katawan ko. Tumingin ako sa madilim na audience gallery, at pilit na inaninag ang dalawang tao na naka-upo ruon. Tumayo naman sila, isang lalaki at isang babae, na naglakad papalapit sa harap ng stage.
Sila Ivy at Kiko.
Malaki na ang kanilang ipinagbago. Mas naging stylish si Ivy. Si Kiko naman ay tumuwid na ang dating mahaba at kulot niyang buhok. Nag-pa rebond yata ang kolokoy, saka ipinaputol ng shoulder's length ang buhok niya.
Mas bagay.
Umakyat sila sa stage at sinamahan ako sandali. Pinagsaluhan namin ang bote ng champagne gamit ang mga tirang plastic cups mula sa cast party. Nagkamustahan. Nagkwentuhan.
Kadarating lang nilang pareho galing sa abroad. Si Ivy mula sa New Zealand kung saan eh natanggap siya to portray Maribelle sa isang franchised production ng Beauty and the Beast. Naka dalawang taon din siya. Si Kiko naman eh katatapos lang ng stint niya sa Europe where he portrayed Enjolras sa touring production ng Les Miserables.
Pareho silang nasa Pilipinas ngayon, cast sa isang palabas ng PETA.
"Artista ka na rin pala," ang nakangiti kong sabi sa kanya.
"Sabi ko naman nuon ‘di ba. Marami pang opportunities na darating," ang sagot niya.
"Congrats nga pala sa directorial debut mo," ang sabi ni Ivy. Ngayon ko lang napansin na talaga palang napaka-sincere niya. At talagang maganda.
"Sorry ha," ang mahina kong sambit. "Because I was a total asshole."
Natawa siya nang bahagya, bago tumayo. "Huwag mo nang isipin ‘yun. Saka, may asawa na ako ngayun. I'm Ivy McLaughin na ngayon," ang sabi niya.
Hinalikan niya ako sa pisngi bago kumaway sa aming dalawa, saka siya tumalikod at umalis na.
Saka ko napansin na nakatingin sa akin si Kiko. Nakangiti.
"What is it with you and Antigone," ang bigla niyang tanong. "Ano bang karma ang meron itong play na ito sa ‘yo?"
"Ewan ko ba," ang sagot ko na medyo natatawa rin, kahit pa tumutulo ang luha sa aking mga mata. "Lagi na lang akong pinaiiyak ng letseng dulang ito."
Tumayo bigla si Kiko at pumunta sa madilim na bahagi ng wings. Biglang bumaba ang curtains ng stage na siyang nagtatakip rito, takatago sa mga mapanuring tingin ng kung sino mang maaring maparaan.
Kami na lang ang nadoon, sa set ng Antigone. Parang nuon, sampong taon na ang nakakaraan. Nilapitan ako ni Kiko at marahan akong hinalikan.
Tumigil siya sandali at tiningnan ako ng diretso sa mata. Katulad ng dati. Katulad ng nakagawian niyang gawin.
"Pagod na akong maglakbay," ang bulong n'ya. Saka ako inakap ng mahigpit.
Ginantihan ko ang kanyang mga halik. Bumuhos ang aking pananabik sa aming muling pagtatagpo. Dito kung saan ay nagsimula ang lahat.
Hinalikan ako ni Kiko sa labi. Mahigpit. Matagal. Mapusok. Sa bawat halik, ang pakiramdam ko\'y mapapatid ang aking hininga. Parang nalulusaw ang buo kong pagkatao.
Hinila ko ng aking palad ang kanyang ulo upang idiin pang lalo ang kanyang mga labi sa akin. Para kaming nilalagnat at nagdedeliryo.
Nalasahan ko ang kaunting alat sa kanyang labi. Saka ko napansin na may bahid ito ng dugo. "Sori," ang bulong niya, sabay punas ng kanyang daliri sa kaunting dugo na dumadaloy sa isang munting sugat sa aking labi. Saka niya ako muling hinalikan.
Pakiramdam ko ay nalulunod ako ng unti-unti sa kanyang pagkatao. Para akong apoy na nauupos sa kanyang mga halik na dumidilig sa aking init. Parang madudurog ang aking mga buto sa higpit ng kanyang mga yakap.
Naramdaman ko na lang ang sarili ko na tahimik na umiiyak, habang ang mga kuko sa aking kamay ay bumabaon sa kanyang likuran.
"Huwag mo na uli akong iiwan," ang bulong ko sa kanya na nagmamaka-awa. "Huwag mo na uli akong iiwan."
Napakasarap ng init ng kanyang katawan sa aking balat. Ang kanyang sariwang-sariwang amoy. Ang alat ng kanyang pawis. Habang yakap ko siya ay para akong nagliliyab. Parang natutupok.
Hindi na ako umiwas o nanlaban ng bahagya niyang kagatin ang aking leeg. Sa wari ko ay biglang nagliyab ang buong paligid, at unti-unting tinutupok ng apoy ang kahot na set at ang telon. Umiikot ang aking paningin habang hinahabol ko ang aking kinakapos na pag-hinga.
Unti-unti akong nanghihina, habang sa pakiramdam ko naman ay lalong lumalakas ang mga kamay ni Kiko. Sa bawat halik niya na dumadampi sa aking labi, sa pisngi at sa leeg ay parang lumilipat sa kanya ang lahat ng aking katatagan.
Inihiga ako nang tuluyan ni Kiko sa malamig na kahoy na sahig ng tanghalan. Marahil, dahil na rin sa pagod ng damdamin ng matagal na panahon kong paghihintay sa katuparan ng sandaling ito ay tuluyan akong nanghina at napapikit.
Naramdaman ko ang pagbaon ng mga ngipin ni kiko sa aking leeg. Tumulo ang aking luha dahil sa magkahalong hapdi at kaligayahan.
Maya-maya pa ay bumaba sa aking dibdib ang nagbabaga niyang labi, saka ako muling kinagat sa aking kaliwang utong.
Naramdaman ko rin ang dahan-dahang pagpisil ng kanyang palad sa bukol na nasa pagitan ng aking mga hita.
Binuksan n'ya ang zipper ng aking pantalon, bago niya tuluyang ipinasok ang kanyang palad sa loob ng aking brief.
Halos tumiklop ako sa labis na kuryenteng naramdaman ko nang himasin niya ang aking titi. Alam ko na mayroon na akong precum dahil sa madulas kong nararamdaman na kasabay sa paghimas ng kanyang kamay.
"Angkinin mo na 'ko" ang bulong ko kay Kiko.
Isang malalim na buntung hininga ang narinig ko mula sa kanya.
Ibinaba ni Kiko ang kanyang mukha, at naramdaman ko ang pag-pisil ng kanyang mainit na labi sa aking titi.
Nababaliw na ako sa labis na init. Tumirik ang aking paningin sa labis na sensasyon.
Sa aking isipan naman ay parang nagliwanag. Para bang kahit sandali ay natanaw ng aking paningin ang kaduluduluhan ng kalawakan. Naabot ng aking mga mata ang makukulay na bituin, at ang mapaglaronmg mga kometa sa kabilang panig ng santinakpan.
Dinig na dinig ko ang tibok ng aking puso. Damang-dama ko ang daloy ng aking dugo sa buo kong katawan.
Sa ikalawang pagkakataon, naramdaman kong nagsanib ang pagkatao naming dalawa. Si Kiko at ako, ay naging iisa.
"Will you be my lover?" ang marahas niyang bulong sa aking tenga.
"Yes," ang sagot ko.
Hinalikan niya ako sa labi, parang akong isang alay na walang laban sa katulad niyang wari ay paganong diyos na pinag-alayan ko ng aking dugo at laman.
"I love you," ang bulong niya.
Sa ganung ayos na kaming nakatulog, duon din sa tanghalang iyun kung saan kami unang nagslo sa kaligayan, sampung taon na ang nakakaraan.
Nasundan pa ang pagtatalik na iyun, dahil nagsama na rin kami ng tuluyan.
Dalawang buwan pagkatapos ng tagpong iyun ay sa ibabaw naman ng ibang tanghalan ko nakita si Kiko – kasama si Ivy, sa remake ng sarswelang Pilipinas Circa 1907 na isinadula ni Nicanor G. Tiongson, at itinanghal naman ng PETA.
To think na n'ung estudyante pa lang kami eh nahihirapan siyang kumuha ng mga roles dahil hindi daw siya marunong umarte. At ako naman ay talagang tanga kaya hindi ko kinakaya ang trabaho ng isang Stage Manager.
Iba talagang magbiro ang panahon.
Marami pang ibang tauhan ang binigyang buhay ni Kiko, sa mga produksiyon ng Tanghalang Pilipino sa CCP, sa Gantimpala Theater Foundation, sa Repertory, at kahit din duon sa dati naming grupo, sa college, kung saan kami nagsimula pareho.
Katulad ko, inanyayahan din siya ng aming Dean na magturo sa salik na kanyang larangan, na siya naman ding pinaunlakan.
Pagkatapos ng tatlong buwan ay naka-isip kaming mag-ampon. Isang batang babae na pinangalanan naming Antigone.
Huwag n'yo nang itanong kung bakit.
Nang nagkasundo kaming isa-publiko ang aming pagsasama sa pamamagitan ng isang isang maliit na Ceremony of Union, dumating ang ilang mga taong naging bahagi ng aming buhay. Mga dating guro at kaklase, at mga dating katrabaho.
Tumutulo ang luha ko nang basahin ko ang mga pangako ko sa kanya.
"I am your equal, your partner and your friend. And though at times I may wear the face of an enemy, never forget the love I have for you. For that love leads me by the hand, in all my decisions that concerns you. I am your twin flame, and am completed only in you, and through you. And as we face the future, and the passing of time and age, I hope to be beside you still when you breathe your very last – as your equal, your partner and your friend."
Si Ivy ang umawit ng aming wedding song. At dahil pang-Broadway nga ang talents n'ya, pinili n'ya ang tanging awit na sa tingin daw niya ay bumagay sa aming dalawa.
Ang awit ni Christine sa Phantom of the Opera.
"No more talk of darkness, forget these wide-eyed fears;
I'm here, nothing can harm you, my words will warm and calm you.
Let me be your freedom, let daylight dry your tears;
I'm here, with you, beside you, to guard you and to guide you.
Say you'll love me ev'ry waking moment; turn my head with talk of summertime.
Say you need me with you now and always; promise me that all you say is true,
That's all I ask of you."
"Let me be your shelter, let me be your light;
You're safe, no one will find you, your fears are far behind you.
All I want is freedom, a world with no more night;
A and you, always beside me, to hold me and to hide me.
Then say you'll share with me one love, one lifetime; let me lead you from you solitude.
Say you want me with you, here beside you, anywhere you go, let me go too,
That's all I ask of you."
"Say you'll share with me one love, one lifetime. Say the word and I will follow you.
Share each day with me, each night, each morning.Say you love me...
(You know I do.)
Love me, that's all I ask of you."
Alam n'yo, agree ako sa kanya.
No comments:
Post a Comment